Eh ‘diba na-convict na ‘yan?
Saan na-convict? Sa pulitika? Sa intriga? Kung seryoso kasi ang basehan ng administrasyon ni GMA na kasuhan siya, bakit dalawang ulit siyang inalok ni dating Justice Secretary Nani Perez na tumakas gamit ang back-door exit? Ang sagot ni Erap, “Walang iwanan, walang urungan!” Nilitis siya ng isang ‘special court’ at matapos madeklarang guilty ay agad din na binigyan ng absolute pardon. Kaloka, diba? Sabagay, inaasahan na ‘yang guilty verdict, dahil alam naman ng lahat na ang special court ay binuo para siguruhin na ma-convict si Erap. Pero guilty sa anong kaso, sa jueteng? Hindi naman ‘yan pera ng bayan. Jose Velarde account? Hindi naman kanya ‘yun, at na-withdraw pa nga ng may-ari ng account ang pera niya. ‘Yung pera na sinasabing nakaw at nilagay daw sa Erap Muslim Youth Foundation, ayun ay buong buo pa rin sa bangko.
Ate, Kuya, kung totoo ang mga bintang kay Erap, eh bakit mismong si Tita Cory ay humingi ng tawad sa kanya? Sabi pa ni Tita Cory nagkamali siya sa pagsuporta sa EDSA Dos. May iba pa diyan – sina Bishop Tobias, dating SEC Chairman Jun Yasay – na humingi na rin ng tawad kay Erap. Ano pa ba ang ibig sabihin niyan kung hindi malaking pagkakamali ang EDSA Dos?
Eh #3 lang siya sa survey...manalo pa kaya ‘yan?
Nakita mo ba ang dagsa at dami ng taong sumasalubong kay Erap sa kanyang Lakbay Pasasalamat at ngayon naman sa kanyang kampanya? Pag nakita mo, ‘di ka na maniniwala sa mga survey. Isipin mo: ilan ba ang botante ni Erap, at ilan naman ang nagtatanong at sumasagot sa survey?
Ate, Kuya, iba ang survey sa halalan. Ang survey ay damdamin lamang ng iilan, ang halalan ay damdamin ng milyun-milyong botante.
Eh ‘diba may edad na ‘yan...kaya pa ba niya?
Si Ronald Reagan, isa sa pinaka-magaling na naging pangulo ng U.S., ay 74 na nang mahalal, at na re-elect pa nga matapos ang apat na taon. Akala ng mga cardinal noon 1962, wala ng mgagawa pa ang nahalal na Santo Papa, si Pop John XXIII, pero siya ang nagsimula ng makasaysayang Vatican II. At si Pope Benedict XVI ngayon ay 83 na!
Ate, Kuya, gusto mong hamunin ng jogging si Erap? ‘Di ka uurungan nun – he can still “run,” and he can still run this country!
Eh ‘diba dapat pagbigyan naman ang iba?
Sinong iba? Eh ‘di pa nga nahahalal eh isang damukal na ang kaso – may mga tungkol sa kalye, hacienda, atbp! Si Erap galing na sa Malacanang. Alam na alam na niya ang problema ng bayan. Sa loob ng anim na taon niya sa kulungan, tiyak na napag-aralan na niya ang dapat gawin. Sa tindi ng lagay ng ating bansa ngayon, mahirap itong ipagkatiwala sa mga walang alam at karanasan.
Alam mo, may 3 ½ taon pa dapat sa puwesto si Erap kung ‘di lang inudlot ng EDSA Dos. Hindi siya bumabalik...ipagpapatuloy at tatapusin niya ang kanyang naumpisahan na!
Eh kapag naging presidente siya, gagantihan niya lahat ng mga kumalaban sa kanya?
Wala sa bokabulrayo ni Erap ang paghihiganti. Sa pelikula lang ‘yun. Ang titindi ng ginawa kay Erap: pinagkaisahan, binastos, pinahiya, pinatalsik, kinutya, kinulong. Sa kabila ng lahat ng ito, nakita mo naman at pinatawad niya lahat ng mga naging pasimuno ng mga ito. ‘Yan ang kailangan nating pangulo, marunong magpatawag upang ang lahat ng sugat ng bayan ay maghilom na sa
wakas.
Eh baka ma-disqualify lang siya?
Qualified nga, ayon sa Comelec. Kung may umapela man sa Korte Suprema, tiyak na kakatigan ng korte ang desisyon ng Comelec at ang sinabi nitong sa bandang huli, ang taong bayan pa rin ang magde-desisyon kung sino ang gusto nilang pinuno.
Ate, Kuya, dapat isa-isip ang kasabihang ito: Vox populi, Vox Dei (Ang tinig ng taong bayan ay ang tinig ng Diyos).
Eh ano ba ang nagawa na niyan para ihalal siyang muli?
Ay, ang dami! Nang umalis siya sa puwesto, nag-iwan siya ng P120-bilyon sa kabang bayan. Hataw ang mga programa niya sa agrikultura. Pinulbos niya ang mga rebelde sa Mindanao. Hindi pinalagpas ang mga NPA. Pinuksa ang kriminalidad. Dinurog ang mga sindikato. Sinipa ang mga tiwali sa gobyerno. Pinagbawal ang mga ‘government’ at ‘sovereign’ guarantee sa mga proyekto ng gobyerno na nagiging ugat ng korapsiyon.
Ate, Kuya, nagkaisa ang mga elitistang naghaharing-uri na alisin sa puwesto si Erap noong 2001 dahil hindi siya pumayag sa kanilang kagustuhang itaas ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng mga mahihirap. Alam mo ba ‘yun?
si Erap nga talaga ang dapat!
Kung may Erap, may ginhawa!
May Pag-ahon, May Bukas Pa.
SIGAW NG MASA
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment